المدة الزمنية 1:56:1

Mga Tanong at Sagot tungkol sa Simbahang Katoliko. Alamin ang pananampalataya mo

6 477 مشاهدة
0
471
تم نشره في 2021/07/17

#Faith #Seeking #Understanding John 8:32 "and you will know the truth, and the truth will set you free." PARE-PAREHO BA ANG LAHAT NG RELIHIYON? O KAYA’Y DI NA BA KAILANGAN NG RELIHIYON? HINDI. . Kadalasan po’y nadidinig natin to, “kahit anong relihiyon basta iisang diyos na sinasamba, lahat ay pupunta sa langit”. Tama ba to??? . SAGOT: . Ang dapat magsabi kung paano tayo maliligtas ay ang Diyos, hindi ang tao, sapagkat ang kaligtasan ng kaluluwa’y gawa ng Diyos, hindi ng tao. Ngayon, mayron bang sinabi ang Diyos na paraan upang ang isa’y maliligtas? . Mayroon po! Sa Mk. 16:16, sinabi ni Jesus: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang ebanghelyo: ang maniwala sa inyo at mgpabinyag ay maliligtas, ang hindi maniniwala ay masawi.” Samakatuwid, unang paraan: MANIWALA. At ano naman ang paniniwalaan? . Sa Mat.28:20, “Ituro ninyo sa kanila ang lahat ng bagay na iniutos ko sa inyo.” Tandaan, lahat ng bagay. Pero paano malalaman ang “lahat ng bagay na iniutos ni Kristo”? Sino ang magtuturo nito? Pwede bang kahit sino’y magturo? . Hindi po! Ang sabi ni San Pablo’y ganito: “Paanong makasasampalataya sa kanya (Jesus) na hindi nila nabalitaan? At paanong mababalitaan nila kung walang nangangaral? At sino ang makapangaral kung hindi silang sinugo?” (Rom.10:15) . Kung gayon, ang dapat mangaral ay ang mga sinugo, at hindi kahit sinong marunong mag-memorize at magbitbit ng bibliya. Sino naman yaong mga sinugo? Walang iba kundi ang mga apostoles (Mat.28:18) at ang kanilang kahalili. Ngunit saan sinasabi na mayroon silang kahalili? . Doon din sa pag-uutos na iyon sa Mt.28:19 ay idinagdag ni Kristo: “Tingni, kasama ninyo ako hanggang sa katapusan ng mga panahon.” Ang mga apostoles ay alam na si Kristo’y mamatay, pero bakit sinabi niyang kasama siya “hanggang sa katapusan ng mga panahon?”, Sapagkat ililipat nila ang kapangyarihang mangangaral sa mga kahalili. Paano nila inililipat ito? . Ang pagsasalin ng kapangyarihan ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol (Tim.4:14) sa mga pinili nila, at hindi kahit sino’y maaaring magaangkin nito. Ito ang paliwanag na nilalaman ng sulat sa mga Hebreo: “Ang pari ay pinili sa mga tao at pinamahala sa mga bagay na nauukol sa Diyos” (Heb.5:1). “Hindi ang sino pa man ay maaaring umangkin para sa kanyang sarili ng ganitong karangalan kundi siya na tinawag ng Diyos, gaya ni Aaron (Heb.5:5). Ang mga tagapangaral bang ito na tinatawag ni San Pablong “mga pari” ay kabilang sa Iglesya at aling Iglesya ito? . Maliwanag na kabilang ng isang Iglesya. Sa Mt.18:17 sinabi ni Kristo na kung may isa o kapwa kristyano na nagkasala at ayaw makinig sa payo ng kapwa niya, siya’y dapat isumbong sa Iglesya, at kung hindi siya makinig dito, “Ipalagay mo siyang parang hentil” (Mat.18:17) . Samakatuwid, may Iglesyang pagsusumbungan. Hindi sinabing “mga Iglesya”. Katunayan, nang ipangako ni Kristo sa Mat.16:18 na magtatayo siya ng Iglesya ay tiniyak niyang isa lamang ito. At ganyan din sa sulat ni San Pablo sa Eph.4:5: “Isang Panginoon, Isang Pananampalataya, isang binyag.” . ------------------------------------------------------------------- Bro. Wendell P. Talibong on Social Media --------------------------------------------------------------------- Facebook page: https://www.facebook.com/Pananampalat ... https://www.facebook.com/Deliverance- ... https://www.facebook.com/brwendell.ta ... --------------------------------------------------------------------- FOR SPEAKING ENGAGEMENT & BRAND COLLABORATION, CONTACT ME: Email: christipax513@gmail.com --------------------------------------------------------------------- FOR THE EVANGELIZATION AND CHARITABLE WORKS, you may donate through ACCOUNT NAME: SOCIETY OF SAINT VINCENT DE PAUL PHILIPPINES INC. ACCOUNT NUMBER: 450-3-45017137-0 ✅Metrobank Burgos Branch, Ozamiz City: ✅GCASH: 09052223328

الفئة

عرض المزيد

تعليقات - 94