المدة الزمنية 4:9

Rajko Toroman: Kai Sotto SIGURADO na sa NBA

بواسطة iNTELLECTUS
935 780 مشاهدة
0
8.9 K
تم نشره في 2019/04/15

Rajko Toroman: Kai Sotto SIGURADO na sa NBA Kung ang dating Philippine national men’s basketball team coach ang tatanungin, si Kai Sotto na ang posibleng kauna-unahang maging homegrown talent na makatungtong sa pinakamalaking liga sa buong mundo. Sinabi ni Rajko Toroman, na unang naging coach ng Team Pilipinas sa ilalim ng Gilas program, na sa angking tangkad at husay ng 16-anyos, walang duda na siya na ang pinakamalapit na purong Pinoy na makabutas sa NBA. “One of the tallest Filipinos, he is very talented. He is very young. He has a great future,” ayon sa Serbian national sa report ng Spin.ph. nitong Linggo. “I cannot predict if he can make it to Top 10, [but] he can be first Filipino in draft, for sure.” Kakaibang hulma ang 7-foot-2 prodigy na anak ng dating PBA player na si Ervin Sotto, bukod sa haba nito ay nagtataglay rin ng saktong liksi para makasabay sa court. Ilan pa sa dapat tingnan ay ang pambihirang shot blocking skills nito at scoring touch. “With his size and talent – and I hope he improves more and grows muscle – I think he can be a first-round draftee in the future,” hirit niya. Nasa Atlanta, Georgia ngayon si Sotto para simulan ang NBA dream, dalawang buwang mananatili sa training facility ng NBA team na Atlanta Hawks at matapos ay malalaman kung saan pipiliin maglaro, sa Amerika o sa Europa. “There are good big men from the Philippines before, but they weren’t able to go a few notches higher because they opted to stay in the Philippines,” saad pa niya. Ibinulgar din ni Toroman na isang koponan sa Serbia, ang KK Partizan, ay nagpakita ng interes sa binata, ngunit tingin ng beteranong mentor, mas mahahasa pa si Sotto sa Amerika kaysa makipagsapalaran sa Europe. “For Kai, I think NCAA is the better option than Europe because Filipinos play close to American style of basketball,” panapos niya. nagpasiklab at hinangaan agad ang Filipino teen sensation na si Kai Sotto. Ito ay matapos niyang makuha ang atensyon ng sikat na trainer na si Rory Jones sa unang bahagi ng kanyang two-month training sa Atlanta, Georgia para sa misyong makapasok sa NBA sa 2021 o 2022. Nasa superbisyon ng East West Private agency, kasalukuyang nagsasanay ang 7’2 teen giant na si Sotto sa Emory Sports Medicine Complex na siyang training facility ng NBA team na Atlanta Hawks. “We’re done working out and he’s picking up cones. Wow, I’m telling you that I don’t know too many 7-footers like this,” ani Jones sa workout video ni Sotto na pinost niya sa social media kamakalawa. Sa naturang video ay nagpakita si Sotto ng agility at coordination na para kay Jones ay hindi aniya kayang gawin ng karamihan ng 7-footers sa buong mundo. “Look at this guy. Who would do (something like) this?” dagdag ni Jones na nagsisilbi ring personal trainer ng Gilas Pilipinas naturalized player na si Andray Blatche. Bunsod nito, isa lang ang bilin ni Jones sa 16-an-yos pa lamang na binatilyo upang matupad nga ang misyon nitong maging unang purong Pinoy na makapasok sa NBA tatlong taon mula ngayon. “Don’t stop,” dagdag niya. “Keep grinding because it’s a process. Enjoy the process little brother.” Unang training stop pa lamang ni Kai ang Atlanta, Georgia habang ang Europa pa rin ang nananatiling numero unong destinasyon ni Sotto para sa pagpapatuloy ng kanyang pagsasanay at pag-aaral. Sa ngayon kasi, buhay pa rin ang offers kay Sotto mula sa mga Spanish ball clubs na Baskonia, Estudiantes, Barcelona at Real Madrid gayundin mula sa German club na ALBA Berlin. Ipinangako ni Sotto na iaanunsyo niya ang kanyang desisyon matapos ang dalawang buwang pagsasanay sa US at ang napipinto niyang Batang Gilas stint. Nakatakdang magbalik si Sotto sa Hunyo para sa laban ng Philippine youth team sa 2019 FIBA U 19 World Cup sa Heraklion, Greece mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7 BACKGROUND MUSIC SOURCE: /channel/UCht8qITGkBvXKsR1Byln-wA TAGS: Rajko Toroman: Kai Sotto SIGURADO na sa NBA,kai sotto,kai sotto nba,kai sotto nba prospect,kai sotto nba draft 2021,kai sotto 2019,kai sotto atlanta,kai sotto highlights,kai sotto america,kai sotto full training,kai sotto europe,kai sotto noypi alliance,kai sotto vs usa,kai sotto atlanta hawks,kai sotto europe offer,kai sotto pasok sa nba,noypi alliance

الفئة

عرض المزيد

تعليقات - 673