المدة الزمنية 6:32

Pang Negosyo | Putong Bigas Recipe | Putong Puti

بواسطة ChrisYT
1 565 مشاهدة
0
14
تم نشره في 2020/07/05

#PutoNaPangNegosyo #MurangPuhunan #PhilippineTravelUpdate Note: Maaring makadilaw ng puto ang margarine, oil, butter at mumurahing vanilla flavoring. Ang tubig na gamit at asukal.ay pwede rin maka apekto sa kulay. 🎵 Support Atch https://soundcloud.com/atch-music /channel/UChxQ ... https://open.spotify.com/artist/1RXmg ... Puto : Bigas 30.00 PHP , Asukal 20.00 , PHP Baking Powder , 10.00 PHP , Salted Egg 10.00 PHP = 70 PHP lang. Grabeeee Ibenta mo 150 PHP isa. Ang Putong Bigas ay popular sa mga probinsya. Ito ay hindi gumagamit ng arina at commercial rice flour. Ingredients 2 cups rice 1 1/2 cups sugar 3 tablespoons baking powder 2 cups water Huwag nyo ng pahirapan ang sarili nyo. Apat lang ang ingredients ng puto. Hugasan ang bigas ng 10 to 15 times ayon sa video. Ibabad sa 2 cups of water ng magdamagan. kinabukasan i grind sa blender ang bigas. Kung hindi makaya ng bigas ang walang tubig sa grinder dagdagan ito ng tubig galing sa pinagbabaran. Wag ibuhos lahat sa blender ang binagbabaran. malalata ang puto pag sobra dami ng tubig. Huwag mong ishort cut ang puto mo kung gusto mong huwag masayang ang pagod mo. Pag tapos na igrind sa blender, ilagay sa malinis na bowl at takpan ulit ng 8 oras. Matapos ang 8 oras, makikita na nagtutubig ang ibabaw. Itapon ng dahan dahan ang tubig. Huwag hayaan matapon ang giniling na bigas. Tubig lang sa ibabaw ang itatapon mo. Totoo ba na 8 oras na? So timplahan mo na sya ng asukal. Kung matitiis mo na iwanan pa ng konti, mamaya mo na lang timplahan ng baking powder. Hinintay ko ang isang oras bago ko timplahan ng baking powder. Para talagang tunaw na tunaw ang asukal. Pag natimplahan mo na siya ng baking powder, iwanan mo ulit ng 4 oras o higit pa. So nag ferment na ba or parang panis na ba? Painitin mo na ang steamer at dapat kulong kulo bago mo ilagay ang puto. Balutan ng tela ang takip para ang pawis o steam ay hindi malalaglag sa puto. Makikita sa cover picture na ang isang puto ay nakalubog ang toppings. Yun ay dahil nilagay ko ang toppings bago ko isalang ang puto. Siguraduhin selyado ang steamer at isteam ang puto ng 30 minutes sa maximum na init. Hindi ako gumamit ng butter, langis or margarine dahil hindi dumidikit ang puto ko. Kung dumikit ang puto mo, ibig sabihin hindi mo sinunod ang recipe na ito. Kung iba ang hulmahan mo maari talagang dumikit. pero ang pinaglutuan ko ay bilao na may dahon ng saging. Ang dahon ng saging ay may natural oil. May mga non stick molds or silicon molds or mga hulmahan ng kutsinta sa palengke na pwede mong langisan para hindi didikit.

الفئة

عرض المزيد

تعليقات - 5